KASING-init ng Kaamulan Festival ang naging pagtanggap ng mga taga-Cabanglasan, Bukidnon sa mga Duterte Senatoriables at kay Pastor Apollo C. Quiboloy.
Iba’t ibang grupo mula sa sektor ng mga magsasaka, simbahan, katutubong komunidad, pribadong indibidwal, at mga negosyante ang dumalo at buong pusong nagpakita ng suporta—kahit walang ayudang natanggap.
Ayon sa kanila, ang kanilang pagdalo ay simbolo ng pagmamahal at tiwala kay dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte, pati na rin sa mga kandidatong kaniyang inendorso, lalo na sa mga senatorial bets.