Kasinungalingan ng mga prente ng CTGs, napatunayan—Ka Eric

Kasinungalingan ng mga prente ng CTGs, napatunayan—Ka Eric

NAPATUNAYAN ang kasinungalingan ng mga prente ng Communist Terrorist Group (CTGs) ayon kay Jeffrey “Ka Eric” Celiz, dating kadre ng CPP-NPA.

Napawalang katotohanan ang mga pagsisinungaling at panlilinlang na dinudukot ang mga aktibista.

Ito ay sa pagbabalik-loob sa pamahalaan ng mga regular na miyembro ng teroristang grupo sa lalawigan ng Cagayan.

Sa pagbisita nito sa Camp Melchor F. dela Cruz sa Upi, Gamu, Isabela upang makita nang personal ang mga sumukong dating rebelde, sinabi ni Ka Eric na nananaig ang katotohanan laban sa mga kasinungalingan ng mga prenteng organisasyon na sumusuporta at may direktang ugnayan sa teroristang NPA.

Matatandaan na noong Hunyo 2, sabay-sabay na nagbalik-loob sa pamahalaan ang 21 regular na miyembro ng teroristang NPA na kinabibilangan nina Michael Cedric Casano at Patricia Nicole Cierva na kapwa unang naging miyembro ng front organization bago pumasok bilang mga armado.

Dagdag pa, sinabi rin ni Ka Eric na nananalo ang gobyerno laban sa mga maling propaganda na ikinakalat ng mga front organizations ng CPP-NPA.

Kung kaya, layunin ngayon ng mga former rebels na maipakita sa mga kabataan ang tunay na hangarin at mukha ng komunistang teroristang grupo nang sa gayon ay wala nang masira pang kinabukasan.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter