Kaso ng coronavirus disease 2019 sa bansa, umakyat na sa 193

UMAKYAT 193 ang kumpirmadong kaso ng coronavirus disease 2019 bansa.

Ayon kay DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire, nadagdagan ng anim na panibagong kaso ng COVID-19 sa nakalipas na magdamag.

Sa naturang bilang, 14 dito ang nasawi kung saan pito naman ang nakarekober.

Sa ngayon, tuloy-tuloy ang ginagawang hakbang ng pamahalaan upang mapigilan ang pagkalat ng virus.

Samantala, umabot na ngayong sa 7,984 ang global death toll sa COVID-19 kungsaan halos 200 libo na ang tinamaan nito sa iba’t ibang panig ng mundo.

Samantala, malaking bahagi ang kooperasyon ng publiko sa pagpapatupad ng enhanced community quarantine sa buong Luzon ayon sa Philippine National Police.

Ito’y matapos na obserbahan na marami na ang sumusunod sa ipinatutupad na protocol at ang mga exempted o authorized nalang ang pwedeng lumabas at bumiyahe.

Sa panayam ng SMNI News kay PNP Chief of the Directorial Staff Maj. Gen. Guillermo Eleazar, malaki ring bagay ang pagsuspinde ng pampublikong transportasyon at ng mga pasok sa trabaho para maiwasan ang paglaganap ng COVID-19.

Nilinaw naman ni Eleazar na may sapat namang protective gears ang task force na nangunguna sa pagpapatupad ng enhanced community quarantine.

Patuloy naman itong nananawagan sa publiko na mag-ingat para makaiwas sa paglaganap ng COVID-19.

“Muli gusto nating iparating sa ating mga kababayan na dapat alam natin ang ating mga responsibilidad. Unang-una kung tayo’y talaga hindi allowed sa labas, infact alam natin in general na sa bahay. Except medical and essential services activities, tayoy mag-stay po ng bahay. Tayo po ay makipag-cooperate, at ‘wag tayong makipagsapalaran dahil hihigpit talaga ang law enforces para ipatupad to. Isipin nalang po natin na magtulong-tulong sa ating ginagawa para once and for all, di na tumagal pa ang problema at eventually bumalik na tayo sa normal na buhay na wala ng hurdle na magkakasakit pa or mamatay,” payo ni Eleazar.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.