Kaso ng coronavirus sa buong mundo, lumampas na sa 19 milyon

Kaso ng coronavirus sa buong mundo, lumampas na sa 19 milyon

LUMAMPAS na sa 19 milyon ang nagpositibo sa kaso ng coronavirus 2019 sa buong mundo at mahigit 716, 00 na ang nasawi.

Nanguna pa rin ang United States sa bilang ng kaso ng COVID-19 na umabot na sa mahigit limang milyon habang mahigit 162, 000 naman ang nasawi.

Cosmoswithlove

Sinundan ito ng bansang Brazil na nasa halos 3 milyon na ang bilang ng COVID-19 cases at mahigit isang libo na lamang upang maabot sa 100, 000 ang kabuuan ng mga nasawi.

Pangatlo ang India na may kaso ng mahigit 2 milyon at mahigit 41, 000 ang nasawi na sa coronavirus disease 2019.

Kabilang din sa mga nangunang bansa ang Russia na may mahigit 800, 000 kaso at mahigit 14, 000 ang death toll habang mahigit sa 500, 000 ang naitala sa South Africa na may 9, 000 ang nasawi.

Sumunod ang Mexico 456, 100, Peru 447, 624, Chile 366, 671, Colombia 357, 710, at Spain 354, 530.

Narito ang mga balita kaugnay sa coronavirus 2019 sa iba’t ibang panig ng mundo:

 

Gobyerno ng Vietnam, magsasagawa ng malawakang anti-body testing sa mga komunidad

Para matukoy ang mga kaso ng impeksyon sa coronavirus sa bansang Vietnam, inanunsyo ni Deputy Health Minister Nguyen Truong Son na dadagdagan o palalawakin pa nito ang anti-body testing sa bansa.

Hong Kong experts, hinimok na sumailalim sa virus testing ang mga domestic helper na nakatira sa mga boarding house

Hinimok ng mga ekpserto ng Hong Kong ang gobyerno na isailalim sa virus testing ang mga domestic helper na nakatira sa mga boarding house kasunod ng pagpositibo sa COVID-19 ng isang helper na may 32 kasama sa tinutuluyan.

Woodprofit

State of emergency para sa Japan, hindi pa kailangan —Prime Minister Abe

Muling iginiit ni Japan Prime Minister Shinzo Abe na hindi agarang kailangan ang pagdedeklara ng isa pang state of emergency sa kabila ng paglobo ng bilang ng kaso ng coronavirus sa bansa.

Pagdami ng nagpositibong kabataan sa COVID-19 sa Sweden, ikinababahala

Ikinababahala ngayon sa Sweden ang mataas na porsyento ng mga kabataang nagpositibo sa coronavirus dahil sa posibilidad na mabilis na maikakalat ng mga kabataan ang impeksyon sa mga high-risk age group.

Apat na rehiyon sa Ukraine, maghihigpit ng quarantine restrictions sa susunod na linggo

Nakatakdang higpitan ang quarantine measures sa apat na rehiyon ng Ukraine matapos tumaas ang bilang ng impeksyon sa nakalipas na limang araw.

N95 masks, hindi ligtas gamitin matapos ang ikalawang sterilization ayon sa pag-aaral ng Winnipeg hospital

Sa isang bagong pag-aaral sa Winnipeg, iminungkahi ng isang pag-aaral na ang N95 masks na ginamit na at na-sterilized nang mahigit sa isang beses ay hindi ligtas gamitin.

SMNI NEWS

PHOTO JOB

Leave a Reply

Your email address will not be published.