Kaso ng COVID-19 sa bansa, muling nadagdagan ng mahigit 3,000

Kaso ng COVID-19 sa bansa, muling nadagdagan ng mahigit 3,000

PATULOY na nadadagdagan ng malaking bilang ang kaso ng COVID-19 sa bansa.

Sa pinakahuling datos ng Department of Health (DOH), nakapagtala ng 3,462 na panibagong kaso ng COVID-19 sa nakalipas na magdamag.

Dahil dito, nasa 115,980 na ang kabuuang kumpirmadong nagpositibo sa buong bansa.

Nasa 47,587 naman ang naitalang aktibong kaso.

Nadagdagan naman ng 222 ang bilang ng gumaling kung saan tumaas pa sa 66,270 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa bansa.

Sa ngayon, nasa 2,123 na ang kabuuang bilang ng mga namatay matapos madagdagan ng siyam na nasawi.

Woodprofit

COVID-19 testing capacity palalakasin pa

Inaasahang umpisahan ngayong araw ang pilot pooled testing ng COVID-19 sa bansa makaraang dumaan ito sa requirements at pag-apruba ng Philippine Society Of Pathologist.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, isasagawa ito sa lungsod ng Makati mula 5 hanggang 10 katao sa bawat testing kit.

Sa pooled testing, isang test kit lamang ang gagamitin sa kada 5 hanggang 10 taong kukuhanan ng specimen o samples.

Kapag lumabas na negatibo ang resulta ng test, ibig sabihin, negatibo sa coronavirus ang lahat ng 5 o 10 tao na nakuhanan ng specimen.

Pero kung nagpositibo naman ang resulta, hahatiin ang bilang ng mga indibidwal na kinuhanan ng samples upang isalang muli sa test hanggang sa matukoy kung sino sa kanila ang talagang nagpositive sa COVID-19 testing.

Kaugnay nito, pinaiigting pa ang testing capabilities para masiguradong  tamang tools ang ginagamit sa pagtukoy ng COVID-19 infection.

SMNI NEWS

PHOTO JOB

 

Leave a Reply

Your email address will not be published.