Kaso ng COVID-19 sa bansa, posibleng mas mataas pa sa kasalukuyang naitala ayon sa DOH

POSIBLENG mas mataas pa kumpara sa kasaluyang bilang ang nag-positibong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Ito ang sinabi ni Health Sec. Francisco Duque III kasunod na rin ng kakulangan ng mga test kits.

Sa huling tala ng DOH, nasa tatlundaan at walumpu (380) ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa kung saan dalawampu’t lima (25) dito ang nasawi.

Ayon pa kay Sec. Duque, posibleng nasa animnaraan ang kaso ng COVID-19 sa bansa Ani Duque, habang dumarami ang testing kits mas lalo nakikita ng bansa ang dami ng posibleng may COVID-19.

Dagdag pa ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, nakatulong ang pagdami ng testing kits sa bansa upang malaman ang tunay na dami ng kaso ng COVID-19 sa bansa.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.