Kaso ng COVID-19 sa Japan, pumalo na sa higit 250k

Kaso ng COVID-19 sa Japan, pumalo na sa higit 250k

IKINABAHALA ngayon ng mga awtoridad ang pagtaas muli ng kaso ng COVID-19 sa Japan.

Sa inilabas na datos ng Health Ministry, nasa 250,403 na ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa mas mataas kumpara nitong Agosto 3 na nanatili sa 249,830.

Nasa 34,243 naman ang naitalang bagong kaso sa Tokyo, habang 23,730 sa Osaka at Aichi Prefecture.

Dagdag pa ng ahensya nasa 597 katao ang may lubhang karamdaman dahil sa virus at patuloy na nagpapagaling sa ospital.

Samantala, aabot naman sa 251 ang bagong naitalang nasawi dahil sa virus.

Follow SMNI NEWS in Twitter