Kaso ng COVID-19 sa Maynila, dumoble

DUMOBLE ang kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa lungsod ng Maynila sa loob lamang ng 24 oras.

Ayon kay Manila City Mayor Francisco Moreno Dumagoso, sa ngayon nasa 30 na ang kaso ng COVID-19 sa lungsod.

Sa 30 kaso, 2 sa mga ito ang nasawi at isa ang nakarecover.

Ang naka-recover ay isang 23 taon na babae.

Kaya naman, nanawagan ang alkalde sa mga residente ng Maynila na alagaan lalo na ang mga matatanda na ang mataas ang risk na mahawaan.

Sa ngayon, nakapagbigay na ng 39,000 food packs ang Maynila, malayo-layo pa sa kanilang goal na mabigyan ang 350,000 na pamilya.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.