Kaso ng COVID-19 sa NCR sa katapusan ng Nobyembre, posibleng ‘di na tataas sa 100

Kaso ng COVID-19 sa NCR sa katapusan ng Nobyembre, posibleng ‘di na tataas sa 100

POSIBLENG ‘di na tataas sa 100 ang maitatalang kaso ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR) sa katapusan ng Nobyembre.

Ito ay kung magpapatuloy ang pagbaba ng naitatalang kaso sa rehiyon ayon sa pagtataya ng OCTA Research.

Inihayag din ng OCTA na bumaba na sa 8.9% ang positivity rate sa NCR, ang pinaka mababang positivity rate na naitala sa rehiyon simula noong Hulyo.

Ang positivity rate ay tumutukoy sa porsyento ng nagpopositibo sa COVID-19 mula sa kabuuang bilang ng isinailalim sa COVID-19 test.

Sinabi rin ni OCTA fellow Dr. Guido David na bumaba na rin sa 411 hanggang 269 ang 7-day average  ng kaso sa NCR batay sa pinakahuling ulat nitong Nobyembre 3.

Follow SMNI NEWS in Twitter