UMABOT na sa 85, 486 ang kumpirmadong kaso ng nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa buong bansa.
Sa pinakahuling datos ng Department of Health (DOH), may panibagong kaso na 1, 874 sa nakalipas na magdamag.
Nakapagtala naman ng 388 na panibagong gumaling sa COVID-19 kung saan umabot na sa 26, 996 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa virus sa bansa.
Habang nadagdagan naman ng 16 ang bilang ng nga nasawi kaya’t tumaas pa sa 1, 962 ang death toll ng bansa sa COVID-19 pandemic.
Matatandaang inihayag ng Malakanyang na posibleng ibalik sa mas mahigpit na Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ang Metro Manila kung aabot sa 85,000 ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa sa Hulyo 31, tulad na lamang ng pagtaya ng mga eksperto mula sa University of the Philippines (UP).
Samantala, nakatakda namang ianunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga pagbabago sa mga hakbang ng gobyerno sa paglaban ng COVID-19 bukas, Hulyo 30.