Kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, mahigit 147,500 na

Kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, mahigit 147,500 na

NAKAPAGTALA ang Department of Health (DOH) ng nasa 4,002 na panibagong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas sa nakalipas na magdamag.

Batay sa pinakahuling datos ng DOH ngayong araw, pumalo na sa 147,526 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa buong bansa.

Mula sa kabuuang bilang, ang aktibong kaso ay nasa 74,713.

Nadagdagan naman ng 1,403 ang bilang ng mga nakarekober habang 23 naman ang bagong naitala na nasawi.

Sa ngayon, ang kabuuang bilang ng mga nakarekober ay 70,387 at 2,426 naman sa mga nasawi.

Samantala, nakatakdang iaanunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang magiging community quarantine classification sa Agosto 17.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, isinumite na ang mga quarantine recommendations para sa lahat ng mga probinsiya at siyudad kaugnay ng magiging quarantine classification mula August 16 hanggang 31.

Nakatakda namang magtapos sa Agosto 18 ang ipinairal na Modified Enhanced Community Quarantine sa Metro Manila, lalawigan ng Rizal, Cavite, Bulacan at Laguna.

Mababatid na una ng inanunsyo ng kalihim na malabong palawigin pa ang MECQ sa mga nasabing lugar dahil wala ng pondo ang pamahalaan para ipamahagi sa mga pamilyang apektado ng lockdown.

SMNI NEWS

 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published.