Kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, nadagdagan pa ng 4,650

Kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, nadagdagan pa ng 4,650

PUMALO na sa 173,774 ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Ito ay matapos makapagtala ang Department of Health (DOH) ng 4,650 na karagdagang kaso kahapon Miyerkules, Agosto 19.

Sa kabuuang confirmed cases, nasa 57,498 ang naitalang active cases dito.

Sumampa naman sa 113, 481 ang bilang ng mga gumaling matapos itong madagdagan ng 718.

Habang nasa 111 ang nadagdag sa mga nasawi kung kaya’t pumalo na sa 2,795 ang death tolls dahil sa coronavirus.


Mahigit 500 doktor at nurses, tinamaan ng COVID-19 ngayong linggo

Umabot sa mahigit 500 health workers ang tinamaan ng COVID-19 ngayong linggo sa buong bansa.

Dahil dito, hanggang noong Agosto 15, lumobo na sa 6,006 mula sa 5,466 ang kabuuang bilang ng mga COVID-19 positive na health professionals.

74% sa nasabing bilang ang nakaranas ng mild symptoms, 25.3% ang asymptomatic habang 4% ang may severe symptom at 2% ang kritikal ang lagay.

Ito na ang ikalawa sa pinakamataas na naitalang bilang ng tinamaan ng virus sa loob ng isang linggo sa hanay ng medical workers mula noong Abril 28.

SMNI NEWS

 

Leave a Reply

Your email address will not be published.