Kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, umakyat na sa 83,673

Kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, umakyat na sa 83,673

UMABOT na sa 83,673 ang kumpirmadong nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa buong Pilipinas.

 

Sa pinakahuling datos ng Department of Health (DOH), may panibagong kaso na 1,678  sa nakalipas na magdamag.

 

Nakapagtala naman ng 173   na panibagong gumaling sa COVID-19 kung saan umabot na sa 26,617  ang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa virus sa bansa.

 

Habang nadagdagan naman ng 4  ang bilang ng nga nasawi kaya’t tumaas pa sa 1,947  ang death toll ng bansa sa COVID-19 pandemic.

 

Kaugnay nito, sinabi ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergiere na ang Pilipinas ay mayroong total na 107,508 beds kung saan 46% dito ay mula sa pampublikong hospital, at 54% naman ay galing sa pribadong hospitals.

 

Aniya, out of the total licensed beds, mayroong 16,388 beds na nakalaan para sa COVID-19 suspects, probable, and confirmed patients. Kasama rito ang ICU, isolation beds, and COVID-19 ward beds.

WoodProfit

Bagong klasipikasyon ng community quarantine sa bansa, iaanunsyo

            

Magkakaroon ng pagpupulong ang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) mamaya kung saan bubuo ng rekomendasyon ang Department of Health (DOH) para sa bagong klasipikasyon  ng community quarantine sa Pilipinas simula Agosto 1 hanggang 15.

 

Sinabi ni Presidential Spokesperman Secretary Harry Roque na pagkatapos ng meeting ay magkakaroon ng konsultasyon sa local government units (LGUs) bago isusumite kay Pangulong Rodrigo Duterte ang pinal na rekomendasyon.

 

Inilahad pa ng tagapagsalita ng Palasyo na malalaman ang mga bagong klasipikasyon ng quarantine measures sa bansa bago sumapit ang buwan ng Agosto.

 

Matatandaang inihayag ng Malakanyang na posibleng ibalik sa mas mahigpit na Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ang Metro Manila kung aabot sa 85,000 ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa sa Hulyo 31, tulad na lamang ng pagtaya ng mga eksperto mula sa University of the Philippines (UP).

 

SMNI NEWS

 

Genius Dog 336 x 280 - Animated

Leave a Reply

Your email address will not be published.