Kaso ng COVID-19 sa Quezon City, umabot na sa 62

UMABOT na sa 62 ang bilang ng mga positibong kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa Quezon City.

Ito ay matapos makapagtala ang QC health department ng 13 kaso sa lungsod kagabi.

Isa sa mga naitalang bagong kaso ay mula sa District 1; 3 sa District 3; 5 sa District 4; 2 sa District 5 at 2 sa District 6.

Umabot naman sa 6 ang bilang ng mga nasawi sa lungsod hanggang kagabi.

Habang isa ang nadagdag sa mga nakarekober dahilan para umabot na sa 6 ang mga gumaling sa sakit.

Samantala, nasa 12 barangay ang isinailalim sa extreme enhanced community quarantine dahil sa COVID-19.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.