Kaso ng COVID-19 sa South Korea, bumaba sa 20,000

Kaso ng COVID-19 sa South Korea, bumaba sa 20,000

HINDI tataas sa 20,000 ang bilang ng arawang naitatalang kaso ng COVID-19 sa South Korea.

Inihayag ng South Korea Health Ministry na walang pagbabago sa bilang ng hawaan ng COVID-19 sa South Korea.

Ayon sa Korea Disease Control and Prevention Agency (KDCA) nasa 12,150 na lang ang bilang ng bagong kaso ng COVID-19 infection kabilang na ang 132 mula sa ibang bansa.

Sa kabila ng pagkalat ng Omicron variant ay patuloy sa pagbaba ang naitatalang kaso sa bansa mula sa buwan ng Agosto.

Dagdag pa ng ahensya na nasa 361 na lamang ngayon ang bilang ng pasyente na may kritikal ang karamdaman.

Samantala, nitong Sabado ay tinanggal na ng pamahalaan ng South Korea ang COVID-19 Polymerase Chain Reaction (PCR) testing requirement sa mga inbound traveler sa bansa.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI NEWS in Tiktok

Follow SMNI NEWS in Instagram