BUMABA na ang kaso ng coronavirus o COVID-19 sa bansang Spain, habang maingat namang pinapalawak ang muling pagbubukas nito.
Ipinahayag ng Chief Epidemiologist ng Spain na mas nakokontrol na ang pagkalat ng virus ngunit kinakailangan pa ring maging maingat sa muling pagbubukas nito.
Ayon sa Spain Health Ministry, labindalawang libong katao ang nahawaan ng virus noong katapusan ng linggo dahil mas maraming lugar na ang binuksan sa bansa.
Samantala, ito ay bumaba ng humigit-kumulang apat na libo kumpara noong nakaraang lunes.
Sa linggong ito, pinapayagan na ang pagbubukas ng mga gym, pinalawak na rin ang pagbubukas ng mga bar at restaurant at babalik na muli sa mga unibersidad ang maraming mag-aaral sa Catalonia, maging sa Castile and Leon at Galicia.
Bagong hamon naman ang iba’t ibang variants sa muling pagbubukas ng Spain dahil maraming rehiyon sa bansa ang may UK variant kabilang na dito ang Asturias na may pinakamataas na kaso ng UK variant na may siyamnaput anim na porysento na bagong impeksyon.
Samantala, mayroon ng 4.7 milyong dosis ng bakuna laban sa COVID-19 ang Spain at halos 1.4 milyong katao na ang nabakunahan nito.