Kaso ng flu-like na mga sakit sa bansa, bumaba kumpara noong 2023—DOH

Kaso ng flu-like na mga sakit sa bansa, bumaba kumpara noong 2023—DOH

PATULOY na bumaba ang kaso ng influenza-like illnesses sa buong bansa.

Ito ay kung ikukumpara sa kaparehong panahon noong nakaraang taon ayon sa Department of Health (DOH).

Mula sa mahigit 200K (200,525) na naitalang kaso noong 2023 ay nasa 166K (165,992) lang ang naitala hanggang Nobyembre 30, 2024.

Paalala naman ng ahensiya upang maiwasan ang influenza-like illnesses lalo na ngayong amihan season ay mainam na magsuot ng facemask at manatili sa bahay kung may nararanasang sintomas ng sakit.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble