Kaso ng mga pang-aabuso sa mga kababaihan, isa pa rin sa mga pangunahing problema sa bansa

Kaso ng mga pang-aabuso sa mga kababaihan, isa pa rin sa mga pangunahing problema sa bansa

AYON sa Philippine Commission on Women (PCW), ang pang-aabuso sa mga kababaihan ay nanatiling problema sa Pilipinas at sa buong mundo.

Ayon sa komisyon, batay sa datos ng World Health Organization (WHO), sa kada tatlong kababaihan sa buong mundo, isa rito ay nakararanas ng pisikal o sekswal na pang-aabuso.

Sa Pilipinas, batay sa datos naman ng Philippine Statistics Authority (PSA), isa sa kada apat na kababaihan sa bansa na may edad na 15-49 ay nakaranas ng pisikal, emosyonal, at sexual violence mula sa kanilang mga asawa o partner sa buhay.

Noong nakaraang taon, nasa mahigit walong libong kaso ay na-classify sa ilalim ng Republic Act No. 9262 o Anti-Violence against Women and their Children Act of 2004.

Datos ng pang-aabuso sa mga kababaihan at kabataan sa bansa, nakakabahala ayon sa Department of Justice

Ang Department of Justice, nababahala na sa mga napapaulat na pang-aabuso sa mga kabataan at kababaihan kahit pa nga may batas na pangontra dito sa ilalim ng Anti Violence Against Women and their Children Act.

“The statistic before us, accdg to UNICEF, 17 percent of the Filipino children, aged 13 to 17 had experience sexual violence, in 2022, nearly have a million of Filipino children were trafficked for sexual exploitation, the Philippine National Police reported almost 9,400 rape cases last year in average of 26 everyday. In 2023 alone, 26, 800 cases were filed nearly 10,000,” ayon kay wika ni Usec. Nicholas Felix Ty, OIC-Inter-Agency Council Against Trafficking, DOJ.

Sa Justice Hall ng DOJ, muling naglunsad ng kampanya ang ahensiya para malabanan ito.

Kada taon, nagsasagawa ng 18-day campaign ang gobyerno para matuldukan ang VAW.

Ayon sa Philippine Commission on Women, ang karahasan ay maaring maranasan ng kahit sinong mga kakabaihan, anuman ang kanilang edad, kulay ng balat, gender entity, ethnicity, relihiyon, at social status.

Sa ilalim ng batas, ang sinumang mapatunayang nagkasala sa ilalim ng VAWC ay maaaring makulong.

Ang mga parusa ay maaaring mula sa isang buwan at isang araw na pagkakakulong hanggang sa higit pa, depende sa uri at grabedad ng pang-aabuso.

Bukod sa pagkakakulong, ang mga nahatulan ay maaari ding pagmultahin.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble