Kaso ng Mpox sa bansa, kontrolado kahit tumataas—DOH

Kaso ng Mpox sa bansa, kontrolado kahit tumataas—DOH

SA kasalukuyan, hindi pa kabilang ang Pilipinas sa mga bansang idineklarang may Public Health Emergency of International Concern ng World Health Organization (WHO) ayon sa Department of Health (DOH).

Paliwanag ni DOH Secretary Teodoro Herbosa, bagama’t may bahagyang pagtaas ng local cases, mas mababa pa rin ito kumpara sa naitala sa kaparehong panahon noong 2024.

Dagdag pa ni Herbosa, paiigtingin ng DOH ang kampanya sa edukasyon, treatment, at isolation para mapigilan ang pagkalat ng sakit.

“There is a slight increase of cases in some (local government units) but this is not higher than last year. Mas mataas pa rin ang nakita naming cases from last year. We are increasing our campaign in education, treatment and isolation para hindi siya kumalat at dumami pa,” ayon kay Sec. Ted Herbosa.

Matatandaang may ilang lugar sa bansa na nakapagtala ng pagtaas ng kaso ng Mpox na ikinabahala ng publiko.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble