HINDI hihinto ang pamahalaan sa paghahanap ng hustiya para sa nasawing Overseas Filipino Worker (OFW) sa Kuwait kamakailan.
Ayon kay DMW Sec. Hans Leo Cacdac, mahigpit na minomonitor nila ang kaso at nasa kustodiya na ng Kuwaiti authorities ang pangunahing suspek ng krimen.
Matatandaang natagpuan na noong Disyembre 28, 2024 sa bahay ng isang mag-asawa sa Saad al-Abdullah, Jahra ang katawan ng OFW na una nang nawawala sa loob ng dalawang buwan.
Iyon nga lang, ibinunyag ni Department of Foreign Affairs Usec. Eduardo de Vega na nasa ‘advance state of decomposition’ o nabubulok na ito.
Sa pahayag aniya ng embahada ng Pilipinas doon sa Kuwait, posibleng namatay ang naturang OFW dalawang buwan na rin ang nakalipas.