KINUMPIRMA ng kampo ni Rappler CEO Maria Ressa na i-aakyat nila sa Korte Suprema ang pagbasura ng Court of Appeals (CA) sa kanilang motion for reconsideration laban sa desisyon ng Manila Regional Trial Court sa kanyang cyber libel case.
Sinabi ni Atty. Theodore Te na dismayado sila sa desisyon ng CA kaya hihilingin nila sa Supreme Court na i-review at baligtarin ang CA decision.
Nauna diyan ay naglabas kasi ng artikulo ang Rappler na sinasabing ipinagamit o ipinahiram ng negosyanteng si Wilfredo Keng ang kanyang sasakyan sa noon ay Chief Justice Renato Corona.
Naglabas naman ng desisyon ang Manila RTC na makulong si Ressa ng anim na taon at walong buwan kaya umapela sila sa CA pero ibinasura ang mosyon.