HINDI maaaring ilipat sa Ombudsman ang imbestigasyon sa kasong murder laban kay Negros Oriental Rep. Arnolfo ‘Arnie’ Teves, Jr. hinggil sa pagkakapaslang kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo.
Ipinaliwanag ni Chief Presidential Legal Counsel Sec. Juan Ponce Enrile sa kaniyang programa sa SMNI News na hindi sakop sa hurisdiksiyon ng Ombudsman ang mga kaso tulad ng murder dahil isa itong anti-graft court.
Matatandaan na nagsumite ng motion for inhibition ang kampo ni Teves para sa agarang paglilipat sa kaso ng mambabatas sa Ombudsman sa kadahilanang na-prejudge na umano ito ng mismong kalihim ng Department of Justice (DOJ).
Kasalukuyan namang nanatili sa ibang bansa si Teves dahil sa takot sa kaniyang kaligtasan at seguridad sa Pilipinas.