LUTAS na ang kaso sa pagpatay sa brodkaster na si Percival “Percy Lapid” Mabasa.
Ito ang inihayag ni Southern Police District Director Brig. Gen. Kirby Jhon Kraft dahil natukoy at nasa kustodiya na nila ang mga suspek.
Nakapaghain na rin sila ng murder case sa mga ito.
Nilinaw naman ni Kraft na magpapatuloy pa rin ang gagawing imbestigasyon.
Ayon kay Kraft, tinututukan nila ngayon ang sinasabi ng sumukong gunman na si Joel Escorial para malaman kung sino ba talaga ang nagpapatay kay Lapid.
Samantala, una namang sinabi ng kapatid ni Percy Lapid na si Roy Mabasa na naniniwala at kumbinsido siya na may prominente o mataas na tao ang nasa likod ng pagpatay sa kanyang kapatid.