Kaso sa pamamaslang kay NegOr Gov. Roel Degamo, malakas pa rin—DILG

Kaso sa pamamaslang kay NegOr Gov. Roel Degamo, malakas pa rin—DILG

TINIYAK ni Interior Secretary Benhur Abalos, Jr. na malakas pa rin ang kaso sa pamamaslang kay NegOr Gov. Roel Degamo.

Kasunod ito ng pagbawi ng ilang mga suspek sa kanilang mga sinumpaang salaysay para idiin si Congressman Arnolfo “Arnie” Teves, Jr. bilang utak sa pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo.

Ayon sa kalihim, ginagawa ng pamahalaan ang lahat na mapatunayan ang pagkakasangkot ng ilang personalidad sa nasabing Degamo massacre.

Sa ngayon, mula sa limang nauna na nag-recant sa kanilang mga salaysay, nadagdagan pa ito ng lima pang suspek na parehong binawi ang kanilang mga testimonya laban kay Cong. Teves.

Giit naman ni Abalos, mayroon pa silang tinitingnan na alas na makapag-didiin sa nasabing mambabatas.

Sa kabila nito, buo ang tiwala ng kalihim sa paninindigan ng PNP na walang insidente ng torture laban sa mga suspek at ginawa ang pag-aresto ng naaayon sa batas.

Sa huli, naniniwala ang ahensiya na isang delaying tactics lamang ito sa panig ng mga akusado.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter