TINIYAK ng Office of the Provincial Prosecutors (OPP) ng Misamis Occidental na prayoridad nila ang kasong inihain ng pulisya laban sa gunman at dalawang indibidwal sa pagpatay sa radio broadcaster na si Juan Jumalon alyas Johnny Walker.
Ayon kay (PNP) PIO Chief PCol. Jean Fajardo, nagbigay ng katiyakan ang provincial prosecutor na reresolbahin nila ang kaso na inihain ng Misamis Occidental Police Provincial Office sa loob ng 10 araw.
Nabatid na inihain ng Misamis Occidental PPO ang kasong murder at theft laban sa hindi pinangalanang suspek at dalawang John Doe na sangkot sa krimen.
Sasailalim ito sa ebalwasyon ng assisting prosecutor bilang bahagi ng case build-up mechanism ng Department of Justice (DOJ).
Nauna nang inanunsiyo ng pulisya na kabilang sa tinitingnan nilang motibo ng pagpatay kay Jumalon ay ang trabaho at ang personal na buhay nito.