KINUMPIRMA ni Philippine National Police (PNP) spokesperson PBGen. Jean Fajardo sa isang panayam na inatras o binawi na ng PNP ang ikakaso sanang direct assault laban sa common law wife ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte na si Honeylet Avanceña.
Ayon kay Fajardo, nakausap ng mismong director ng PNP Special Action Force (SAF) ang pulis na nagtamo ng bukol sa ulo dahil sa pagkakahampas sa kaniya.
Ani Fajardo, nagdesisyon ang pulis na huwag nang ituloy ang demanda bilang bahagi ng tungkulin ang masaktan sa mga kahalintulad na tensiyon.
Matatandaang, nagawa ni Honeylet ang aksiyon habang inilalayo sa kaniya ng mga pulis ang kaniyang anak na si Kitty Duterte.
Kasalukuyan nang nagpapagaling ang pulis na binigayn naman ng kaukulang tulong ng PNP.
Follow SMNI News on Rumble