INIHAIN na laban kay Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil at siyam na iba pa ang kasong graft kaugnay sa operasyon ng Lucky South 99.
Ang Lucky South 99 ay isang Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) na ilegal na nag-ooperate sa Porac.
Ang mga kaso ay inihain ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) at Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) sa Department of Justice.
Ayon kay Bulacan Provincial Prosecutor Ramoncito Ocampo Jr., marami pa ang aasahang ihahain na mga kaso laban sa POGO sa Porac.