Kasong impeachment laban kay dating US President Trump, magpapatuloy

SA botong 56 – 44, natuloy na ang pangalawang impeachment trial ni former US President Donald Trump.

Pinasimulan ng House impeachment managers ang argumento patungkol sa impeachment ni Trump sa pamamagitan ng pagpapapanood ng video tungkol sa nangyaring karahasan sa US capitol.

“And if you don’t fight like hell, you’re not going to have a country anymore,” ang pahayag ni Trump sa kanyang mga tagasuporta.

Kasunod nito, inakusahan si Trump ng “inciting insurrection” kaugnay ng kaguluhan na simuklab sa US Capitol nitong nakaraang Enero 6, 2021.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.