Kasong isinampa sa nakasagasang SUV driver, itutuloy kahit pinatawad na ng security guard

Kasong isinampa sa nakasagasang SUV driver, itutuloy kahit pinatawad na ng security guard

PINATAWAD na ng security guard na si Christian Floralde ang SUV driver na nanagasa sa kanya.

Subalit binigyang-diin ni Floralde na itutuloy niya ang kanyang inihaing kaso laban kay Jose Antonio Sanvicente Jr. na siyang nakasagasa sa kanya noong Hunyo 5 sa Mandaluyong City.

Ayon kay Floralde, pamilya niya ang rason kung bakit itutuloy nito ang kanyang isinampang kaso dahil paano na lang kung ikinamatay nya ang pananagasa sa kanya.

Hunyo 15 nang tumungo sa Philippine National Police (PNP) si Sanvicente para magsurrender.

Doon na rin humingi ng paumanhin si Sanvicente kay Floralde.

Sa ngayon ay nakararanas pa rin ng pananakit ng katawan si Floralde.

Inamin nito na na-trauma pa rin siya sa nangyaring insidente.

 

Follow SMNI News on Twitter