IBINASURA na ang kasong kriminal laban sa aktor na si Alec Baldwin kaugnay sa pagkakabaril nito sa isang cinematographer na si Halyna Hutchins.
Nangyari ang insidente habang ginagawa ang pelikulang “Rust” noong 2021.
Ikinatuwa naman ng legal counsel ng aktor ang pagkakabasura ng kaso.
Hinihikayat din nito ang wastong pagsisiyasat sa mga katotohanan at tunay na nangyari sa malagim na insidente.
Si Baldwin ay kinasuhan ng 2 counts of involuntary manslaughter dahil sa pagkamatay ni Hutchins at sa natamong injury ng “Rust” director na si Joel Souza.