Kasong P6-B worth na ilegal na paglilipat ng tax credit certificates ng dating DOF officials, binabawi ng Ombudsman

Kasong P6-B worth na ilegal na paglilipat ng tax credit certificates ng dating DOF officials, binabawi ng Ombudsman

PORMAL nang hiniling ng Office of the Ombudsman sa Sandiganbayan na huwag nang ipagpatuloy ang pagdinig sa 66 counts ng estafa thru falsification of public documents na nakahain laban sa dating opisyal ng Department of Finance (DOF).

Nakasaad sa Omnibus Motion na isinumite ng Ombudsman sa Sandiganbayan, nais na nilang bawiin o i-withdraw ang kaso laban kay Charmelle Recoter na dating senior tax specialist sa DOF-One-Stop Shop Inter-Agency Tax Credit and Duty Drawback Center pati na rin ang kaso ng lahat ng mga kapwa akusado.

Si Recoter at iba pang mga DOF officials ay unang nasampahan ng reklamo noong December 9, 2012 kaugnay sa ilegal na paglipat ng mga tax credit certificates ng ilang mga oil companies.

Nagsimula ang paghahain ng mga kaso matapos ang isinagawang Senate investigation noong 1998 kung saan ay nadiskubre na ang DOF Center ay nagpalabas ng P5.3-P6-B worth ng mga pekeng tax credit certificates.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble