Kasunduan para palakasin ang cruise tourism sa Pilipinas, nilagdaan

Kasunduan para palakasin ang cruise tourism sa Pilipinas, nilagdaan

IBA’T ibang malalaki at international cruise company at organisasyon ang lumahok sa Expo Maritime Philippines na ginanap sa SMX Convention Center na may layong talakayin ang malaking potensiyal ng cruise tourism sa Pilipinas.

Isa sa dumalo sa expo ay ang Association for Cruise Development of Taiwan (ACDT) na naglalayong palakasin ang cruise tourism sa rehiyon sa pamamagitan ng pagpapatibay ng mga ugnayan sa turismo at negosyo sa pagitan ng Pilipinas at Taiwan.

Ayon kay Tseng hangad nila na maging isa sa mga regular na ruta ang Pilipinas ng mga international cruise company lulan ang mga Tawainese passenger.

 “Taiwan passengers actually they are looking for new destinations. However, we need to develop new destination and showcase to them,” ayon kay JP Tseng, Chairman, Association for Cruises Development of Taiwan.

“You have so many beautiful islands. We can select some the good one and arrange itinerary together,” dagdag pa nito.

Nitong Miyerkules, opisyal na nakipagpartner ang ACDT sa WMOC Group of Companies na siyang nag-organisa ng Expo Maritime Philippines.

Lumagda sa isang Memorandum of Agreement (MOA) ang dalawang kumpanya na magbibigay daan para sa isang international cruise line na tutungo sa ilang tourist destination sa bansa.

“We would like to bring the cruise line here. What we have to do is promotion. We tried more passengers from Taiwan, from the Philippines and other countries,” ayon pa kay Tseng.

Sa ilalim ng kasunduan, ang WMOC Group of Companies ang magdedevelop ng mga cruise destination sa bansa at tututukan ang maayos at mabilis na proseso ng pagpasok ng international cruise line.

“On the first quarter of next year, we’re going to have the first cruise line which is the capacity is 199 cruise passengers. They will be entering the Philippines and the voyage would be the destination would be Boracay, Coron, and Ilocos,” ayon naman kay Rachelle Lopez, CEO, WMOC Group of Companies.

Mga Pilipino, maaari nang masubukan ang cruise travel sa murang halaga—WMOC

Ang nasabing cruise line ay dadaong sa Port of Manila para sa embarkasyon ng dagdag na mga pasahero.

Dahil dito ayon sa Chairman ng WMOC na si Rachelle Lopez, magbubukas ito ng oportunidad para sa mga Pilipinong nais masubukan ang abot-kayang cruise travel.

“Mayroon na tayong maiihain para sa mga kababayan natin. Ito na ‘yung simula ng pangarap ko na makita ko na kapwa mga Pilipino na sumasakay ng cruise line at ma-experience nila ‘yung cruise vacation na sa murang halaga,” ani Lopez.

Maritime single window, binubuo para mai-streamline ang proseso ng pagpasok ng mga foreign vessel sa bansa—PCG

Sa nasabing conference, inilihad naman ng Philippine Coast Guard (PCG) na sa kabila ng mga nagagandahan nating tourist destination maraming nadidismayang mga cruise at shipping company dahil sa napakataas at napakahirap na proseso bago sila makapasok sa bansa.

Kaya naman para sa layong i-streamline ang mga proseso ng pagpasok ng mga iba’t ibang foreign vessel sa bansa kabilang ang cruise ships, binubuo ngayon ang isang Maritime Single Window (MSW).

“Wherein a single platform for all government agencies, the shipping hindi na kailangan magsubmit ng separate set of documents to every single government agencies with a regulatory function but just to a single platform,” ayon kay CG Captain Jomark Angue, DCCGS for Maritime Safety Services, PCG.

Ayon kay Coast Guard Captain Jomark Angue ng Maritime Safety Services ng PCG ang pagkakaroon ng Maritime Single Window ay ginagawa na sa ibang mga bansa.

“Kung mahuhuli tayo diyan magiging less desirable tayo as compared to our neighbors kaya kailangan nating sumabay. May malalaking improvement na ‘yung other countries when it comes to digitalization and streamlining the process so that they can really promote ‘yung ease of doing business,” ani Angue.

Naniniwala naman si Angue na sa pamamagitan ng binubuong MSW maitataas ng gobyerno ang competitiveness ng bansa.

Hindi lang aniya mapapalakas ang tourism industry ng bansa kundi maging kaayaaya rin ang Pilipinas bilang isang port for shipping.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter