NILAGDAAN nina Defense OIC Senior Undersecretary Jose Faustino, Jr. at Indonesian Defense Minister Prabowo Subianto ang isang kasunduan sa larangan ng depensa at seguridad.
Ito ay bilang bahagi ng state visit ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. sa Indonesia.
Ayon kay Defense spokesperson Arsenio Andolong, ang nasabing kasunduan ay naglalayong muling pagtibayin ang “commitment” ng dalawang bansa sa ilalim ng 1997 Defense Cooperation Agreement, at 1975 Border Patrol and Crossing Agreements.
Naglalatag din aniya ito ng “framework” upang mapatatag pa ang defense cooperation at “capacity building” sa ilang mahahalagang usapin partikular na sa Southeast Asian region.
Ang Indonesia ay itinuturing na isa sa pinakamalapit na defense partner ng Pilipinas.
Maliban dito, ang Pilipinas at Indonesia ay kapwa founding members ng Association of South East Asian Nations (ASEAN) at nagtutulungan sa ASEAN Defense Ministers’ Meeting (ADMM) at ADMM-Plus.