Kasunduan sa pagitan ng University of the Philippines at DILG, hindi gagalawin

WALANG balak na pakialaman ng Department of Interior and Local Government o DILG ang 1992 UP-DILG Accord na pinirmahan ni noo’y  UP President Jose Abueva at dating Interior Secretary Rafael Alunan.

Sa isang panayam sinabi ni DILG Undersecretary Jonathan Malaya na hindi aalisin ng DILG kung anuman ang napagkasunduan sa ilalim ng UP-DILG Accord.

Matatandaang sinabi mismo ni PNP Chief Police General Debold Sinas sa isa nitong panayam na magkapreho ang nilalaman sa kasunduan ng UP-DND Accord na nagbabawal sa mga militar o puwersa ng pamahalaan na pumasok sa lahat ng bisinidad ng University of the Philippines sa buong bansa nang walang pahintulot sa pamunuan ng pamantasan.

Sa ngayon, napagdesisyunan aniya ng kanilang kagawaran ang nagkaroon ng mas malalim na dayalogo sa pagitan ng DILG at UP.

Isa rin sa mga tingnan at susuriin ang kasalukuyang kakayanan ng mga nakatalagang pulis at guardiya sa loob ng eskwelahan.

Layon nito na masiguro ang seguridad at kaligtasan ng mga nakatira sa loob ng eskwelahan.

Partikular na tinutukoy din dito ang kaliwat kanang isyu sa recruitment ng CPP-NPA-NDF, at dumaraming populasyon sa loob ng campus na sinasabayan ng pagtaas ng bilang ng krimen sa lugar.

Samantala, mahigpit na ipagbabawal pumasok ang sinomang miyembro ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) sa alinmang kampus ng University of the Philippines (UP) nang walang pahintulot upang maitaguyod ang academic freedom.

Ito naman ang sinabi ni De Lima na titiyakin ng kaniyang ginawang panukala na malaya ang palitan at pagpapahayag ng ideya laban sa intimidasyon mula sa coercive forces ng estado sa loob ng kampus.

Sa ilalim ng kaniyang inihaing Senate Bill No. 2035 na naglalayong amyendahan ang  Republic Act (RA) No. 9500, o mas  kilala bilang “The University of the Philippines Charter of 2008.”

“While it is important to protect our national security, it is likewise important to afford our academic institutions the democratic space conducive to free exchange of ideas and critical thinking, which leads to more effective participation in the national conversation,” pahayag ni De Lima.

Ayon kay De Lima, layunin ng SB2035 na gawing permanente ang UP-DND Accord of 1989 upang protektahan ang academic freedom ng UP.

“It must be emphasized that nothing in this bill prevents any lawful exercise of the law enforcement powers of the President through the PNP and other civilian law enforcement units, within the bounds of the Constitution and the guidelines of due process,” aniya pa.

Naniniwala si De Lima, na pinipigilan ng pamahalaan ang malayang pakikiapid ng mga eskwelahan sa usaping panglipunan at ginagamit lang aniya na dahilan ang recruitment issue sa loob ng UP campuses.

“For the DND to abrogate that accord – albeit mistakenly – without considering the issues that led to its creation, is to betray that goal of promoting critical thinking and active citizenry in the guise of preventing recruitment by rebellious forces,” ayon kay De Lima.

Matatandaang, sa liham na ipinadala ni Defense Secretary Delfin Lorenzana kay UP President Danilo Concepcion, ipinabatid nito ang desisyon  na tapusin ang kasunduan sa pamantasan gamit ang ilang impormasyon na nangangalap ang komunista ng estudyante sa loob ng kampus ng naturang pamantasan.

Nabuo ang naturang kasunduan sa ilalim ng administrasyon ni Cory Aquino noong Hunyo 1989 na mahigpit na ipinagbabawal ang militar at pulisya na pumasok sa UP campus kabilang ang lahat ng regional units nito nang walang pahintulot sa administrasyon ng pamantasan.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *