Kat Tolentino, hindi na muling makapaglalaro sa Choco Mucho

Kat Tolentino, hindi na muling makapaglalaro sa Choco Mucho

HINDI na muli makapaglalaro sa ngayon si Kat Tolentino ng Choco Mucho Flying Titans sa nagpapatuloy na 2024-2025 PVL All-Filipino Conference matapos sumailalim sa isang surgery.

Sa isang pahayag ng management ng Choco Mucho, dinala sa ospital noong Lunes si Kat at nakitang nagkaroon ito ng appendicitis.

Wala namang dapat ikabahala dahil nasa recovery stage na ang opposite hitter ng Flying Titans.

Samantala, sa nagpapatuloy na elimination round ng 49th season ng PBA Commissioner’s Cup, maglalaro mamaya ang TNT Tropang Giga kontra Terrafirma Dyip, alas singko ng hapon.

Alas siyete y media naman ang Brgy. Ginebra San Miguel at Rain or Shine Elastopainters.

Sa Ynares Center, Antipolo ang magiging laro nila ngayong araw.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble