Kat Tolentino, nanguna sa unang panalo ng Choco Mucho sa prelim ng 2024 PVL All-Filipino Conference

Kat Tolentino, nanguna sa unang panalo ng Choco Mucho sa prelim ng 2024 PVL All-Filipino Conference

PLAYER of the game ang opposite spiker na si Kat Tolentino sa naging laro ng Choco Mucho Flying Titans kontra Galeries Tower Highrisers nitong Huwebes, Nobyembre 14, 2024.

Sa iskor na 27-29, 25-20, 25-19, 17-25, 15-12 pabor sa Flying Titans, nasa 27 points ang ambag ni Tolentino.

Ito ang unang panalo ng koponan sa preliminaries ng 2024-2025 PVL All-Filipino Conference.

Sa panig ni Coach Dante Alinsunurin, malaki ang kaniyang tiwala kay Kat kahit hindi pa ganap ang recovery nito mula sa kaniyang health issue.

Buwan ng Abril ng magpahinga si Tolentino mula sa nagdaang 2023-2024 PVL All-Filipino Conference dahil sa kaniyang nararanasang auditory condition.

At, kahit nakasama ito sa 2024 PVL reinforced noong Setyembre, hindi muna ito masyadong pinaglaro ng Choco Mucho.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble