Katapangan ng COVID-19 frontliners, sumasalamin sa Araw ng Kagitingan

SUMASALAMIN ang katapangan ng COVID-19 frontliners sa kagitingan noon ng mga Pilipinong mandirigmang dumipensa para hindi bumagsak ang Bataan sa kamay ng mga mananakop na Hapon.

Ito ang naging mensahe ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Araw ng Kagitingan ngayong araw, Abril 9.

(BASAHIN: Sen. Go, tiniyak na maayos ang kalusugan ni Pangulong Duterte)

Matatandaan na ang Bataan, halos walong dekada na ang nakalipas ay tinuturing pangunahing kampo ng mga mandirigmang Pilipino at Amerikano na siyang nakikipaglaban mula sa pananakop ng mga Hapon sa bansa.

Kaugnay dito, sa kasalukuyang panahon, lubos ang pasasalamat na ipinaaabot ng Pangulo sa lahat ng frontliners dahil sa hindi matatawarang dedikasyon ng mga ito sa pagbibigay serbisyo sa publiko kahit pa marami na sa kanila ang natamaan na rin ng COVID-19.

Samantala, sa mensahe naman ni Vice President Leni Robredo, nananawagan ito ng pagkakaisa sa gitna ng laban kontra COVID-19 pandemic.

Ani Robredo, dapat sama-sama at tulong-tulong ang mga Pilipino ngayong panahon kung saan marami ang nawalan ng mahal sa buhay.

Bukod pa rito, ani Robredo dapat maging inspirasyon ng mga Pilipino ang sakripisyo at pagmamahal sa bayan ng mga sundalo.

 SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.