‘Katarungan’ para kay Pastor ACQ, hangad ng KOJC Japan

‘Katarungan’ para kay Pastor ACQ, hangad ng KOJC Japan

HANDA ang mga misyonaryo at miyembro ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) na depensahan si Pastor Apollo C. Quiboloy dahil alam ng mga ito ang katotohanan na inosente ang butihing Pastor.

Sa katunayan, hindi lang mga Pilipino kundi pati mga dayuhang miyembro ng KOJC tulad ng Japanese nationals ang handang ipaglaban ang karapatan at hustisya para kay Pastor Apollo.

Sa panig ni Sis. Mizuki Hino at Bro. Ryuji Iseda, labis anila ang kanilang kalungkutan nang malaman ang dinanas ng mga kapwa KOJC missionaries sa Davao City.

Sila Bro. Junjie Masuda at Bro. Masanobu Morimoto, bilib sila sa kabutihan at pag-ibig na ipinapakita ni Pastor Apollo hindi lamang sa mga miyembro ng KOJC kundi pati na rin sa mga nangangailangan.

Higit 8M ang miyembro ng KOJC na pinamumunuan ni Pastor Apollo sa buong mundo.

Bilang mga tapat na misyonaryo, malaki ang kanilang pasasalamat dahil sa kabila ng pagkakaiba ng pinagmulan at pananalita ay napagkaisa silang lahat ni Pastor Apollo para buong pusong paglingkuran ang Diyos Amang pinakamakapangyarihan sa lahat.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble