Katawan ng nawawalang OFW sa Kuwait, natagpuang nabubulok na sa isang bahay doon—DFA

Katawan ng nawawalang OFW sa Kuwait, natagpuang nabubulok na sa isang bahay doon—DFA

NATAGPUAN na sa bahay ng isang mag-asawa sa Saad al-Abdullah, Jahra, Kuwait ang katawan ng Overseas Filipino Worker (OFW) na nawawala sa loob ng dalawang buwan.

Iyon nga lang, ibinunyag ni Department of Foreign Affairs Usec. Eduardo de Vega na nasa ‘advance state of decomposition’ o nabubulok na ito.

Sa pahayag aniya ng embahada ng Pilipinas doon sa Kuwait, posibleng namatay ang naturang OFW dalawang buwan na rin ang nakalipas.

Ang isa sa pinaniniwalaang suspek ay itinurn-over ng kapatid nito sa mga awtoridad at batay sa impormasyon, gumagamit ito ng ilegal na droga.

Dagdag pa ng DFA, mahirap na makakuha ng impormasyon mula sa suspek dahil hindi ito malinaw kausapin.

Sa ngayon ay inihahanda na ng public prosecutors doon ang magiging kaso ng mag-asawang pinaniniwalaang sangkot sa krimen.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble