IPINAG-UTOS ni Japanese Prime Minister Kishida na ibaba na ang kategorya ng COVID-19 bilang isang class 5 disease.
Ang pagbaba ng antas ng COVID-19 ay malaking hakbang sa normalisasyon ng mga aktibidad sa bansa at mag-aambag ng malaki sa ekonomiya na kasalukuyang nakararanas ng mataas na inflation rate.
Matapos na ipag-utos na isaayos ang pagpapababa ng antas ng COVID-19, inihayag din ni Kishida na pinag-aaralan na ngayon ng kanyang administrasyon ang pagluluwag sa pagsusuot ng face mask.
Ayon kay Kishida, aayusin ng gobyerno ang mga kasalukuyang hakbang sa COVID-19 para makabalik na sa normal ang bansa.
Samantala, sa kabila ng mga posibleng pagluluwag, nilinaw ni Kishida na magpapatuloy ang vaccination program ng gobyerno laban sa COVID-19.