Katiwalian sa PhilHealth, kailangan nang sugpuin habang wala pang dagdag-singil sa kontribusyon

NANINIWALA si Senator Panfilo Ping Lacson na dapat pagtuunan na ng pansin ng PhilHealth ang paglilinis sa aspetong pananalapi laban sa katiwalian at kawalan ng kakayahan, habang ipinagliban ang mas mataas na singil sa kontribusyon ng mga miyembro nito.

Ayon kay Senador Panfilo Lacson, hindi tamang lagakan ng karagdagang pondo ang ahensiya buhat sa kontribusyon ng mga miyembro hanggang hindi pa natitiyak na walang korupsiyon na mangyayari sa loob ng ahensiya.

Idiniin ng senador na maling-mali ang pagpapataw ng karagdagang singil sa mga miyembro kung babalikan ang mga nakaraang pagnanakaw ng mga opisyal sa kaban ng bayan.

“It is right to defer the premium hike, at least so that it can review its procedures to get rid of corruption and incompetence. Why punish members with higher premiums for the benefit of the corrupt and the incompetent?” pahayag ng mambabatas.

“Hiking the premium for individual members is extremely ill-advised, especially as we have yet to resolve where the money lost to corruption went,” diin ng senador.

Ang kaliwa’t kanang korupsiyon at katiwalian sa ahensiya ay una nang nabunyag sa pagdinig na isinagawa ng Senado nitong nakalipas na taon, kung saan, kabilang sa mga nasiwalat ay ang operasyon ng “mafia” na sinasabing nasa likod ng Interim Reimbursement Mechanism (IRM), sobra-sobrang patong sa IT equipment at pagkalikot sa mga financial statements.

Napilitan din na magbitiw sa puwesto ang ilang mataas na opisyal ng ahensiya matapos na mabunyag ang pamamayagpag ng naturang mga anomalya na nagresulta sa mga kaso ng Ombudsman laban sa mga ito at ang pagpalit ng pamunuan.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.