Katubigan ng Cordova, Cebu, bubuksan sa mga dayo bago matapos ang taon

Katubigan ng Cordova, Cebu, bubuksan sa mga dayo bago matapos ang taon

BUBUKSAN sa mga non-residents ang katubigan ng Cordova Cebu bago matapos ang taon.

Sinabi ni Cordova Mayor Cesar “Didoy” Suan na patuloy ang kanilang rehabilitation efforts kaya mga Cordovahanons pa lamang ang maaaring lumangoy sa mga dalampasigan ng Cordova.

Ipinaliwanag ni Suan na para din sa pagpapalago ng turismo ang ginawang pansamantalang pagsara ng mga    dalampasigan sa mga dayo.

Matatandaang noong Agosto 2022, inihayag ni Suan na hindi ligtas paliguan ang mga seawater ng Cordova matapos ihayag ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na may mataas na presensiya ito ng fecal coliform.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter