NAGTALAGA ng kanilang kauna-unahang ambassador mula sa Pilipinas ang Hong Kong Disneyland.
Mula sa taong 2024-2025 ay magiging ambassador na ng HK Disneyland si Gisele Abejero.
Isang performer si Giselle ng Disneyland Hong Kong sa loob ng 17 taon.
Sa pahayag ni Giselle, nagtagal siya sa Disneyland dahil sa kaniyang passion sa pagsayaw at sa mga ‘amazing and loving people’ na mga kasama sa itinuring niyang pinakamasayang lugar sa mundo.
Nagpasalamat naman si Giselle sa ibinigay sa kaniyang pagkakatalaga bilang ambassador ng Disneyland na itinuring niyang pinaka-greatest birthday gift.
Kasama ni Giselle na itinalaga bilang bagong ambassador ng HK Disneyland si Beyan Tse ng Hong Kong.