Kauna-unahang ammunition storage facility ng Armor ‘’Pambato’’ Division, pinasinayaan ngayong araw

Kauna-unahang ammunition storage facility ng Armor ‘’Pambato’’ Division, pinasinayaan ngayong araw

NAGSILBING panauhing pandangal si Philippine Army Commanding General Lt.Gen. Romeo Brawner Jr. sa pagpapasinaya sa kauna-unahang ammunition storage facility ng Armor ‘’Pambato’’ Division ng Philippine Army sa Tarlac.

Malaking tulong aniya ang nasabing pasilidad sa pagtitiyak na hindi masasayang ang mga bala ng hukbo lalo na sa pondong ginagastos para dito.

Ayon kay Gen. Brawner, malaking tulong ito lalo na sa usapin ng ammunition wastage ng armed forces.

Matatandaang, marami nang kampo ng militar ang nagkaroon ng insidente ng sunog dahil sa kawalan ng maayos na imbakan ng mga bala.

Kaya naman, ito ang isa sa mga proyekto ngayon ng Defense department ng bansa sa paghihimok ng pagkakaroon ng maayos at de-kalidad na ammunition storage facility sa bawat kampo ng militar sa bansa.

Agad namang nagbigay ng direktiba si Brawner sa mga nasasakupan nito na asikasuhin ang pagtatayo ng nasabing imprastruktura para sa mas maganda pang serbisyo nito para sa kaligtasan ng publiko at ng bansa.

Follow SMNI NEWS in Twitter