Kauna-unahang blood bank sa QC District 5, binuksan ngayong araw

Kauna-unahang blood bank sa QC District 5, binuksan ngayong araw

BINUKSAN ngayong araw ang kauna-unahang blood bank sa Quezon City District 5 kung saan layon ng proyekto na ilapit sa komunidad ang sapat na suplay ng dugo sa lungsod.

Si Vic Morales Tugade, residente ng Brgy. Fairview Quezon City, ikinatuwa nito ang pagbubukas ng kauna unahang blood bank sa kanilang lugar.

Aniya, mainam ito para mas lalong mapalapit sa mga residente ang pagkuha at pagdodonate ng dugo.

Isa lamang si Vic sa marami na nakaugalian nang magdonate ng dugo para na rin makatulong sa iba.

“Actually habit ko na talaga ‘tong pagdodonate ng dugo para ma-extend pa ang buhay ng iba,”ayon kay Vic.

Hindi lang mga taga Fairview sa Quezon City ang makikinabang sa binuksang blood collection unit sa 5th District sa lungsod.

Ito ang kauna-unahang blood bank sa labas ng Quezon City Hall na layong ilapit sa komunidad ang pangangalap ng sapat na suplay ng dugo o blood donors bilang pondo para sa mga mangangailangan nito .

’’Nagtayo po tayo ng blood collection unit sa buong Republika ng Pilipinas,” ayon kay Patrick Michael Vargas, Congressional Aspirant, 5th District Quezon City

Giit ng opisyal, malaki ang pakinabang nito sa mga residente lalo pa’t nauna nang inamin ng Philippine Red Cross (PRC) na may kakulangan pa ang organisasyon sa sapat na suplay ng dugo sa bansa.

’’Wala po tayong pinipiling tutulungan..handa po kaming tumulong sa inyo,’’ dagdag pa ni Vargas.

Para sa nasabing barangay, hindi na sila mahihirapan sa pagbiyahe patungo sa tanggapan ng Red Cross para humingi ng tulong na dugo para sa mga pasyenteng mangangailangan nito.

Follow SMNI NEWS on Twitter

Leave a Reply

Your email address will not be published.