HULOG ng langit para sa registered nurse na si Jethro ang pagkuha niya ngayon ng kursong medisina.
Siya ay laking Tacurong City, Sultan Kudarat.
Kasama si Jethro sa unang batch ng scholars sa College of Medicine ng Sultan Kudarat State University.
“I really desired to become a doctor and all I did was pray. I just prayed that it will be answered and God will send miracles. Fortunately, out of nowhere, SKSU offered this program and I’m so very happy,” wika ni Jethro Quimba, College of Medicine Scholar.
Ang dating sakitin naman na si Manuel, gusto maging doktor para makatulong sa mga may sakit.
“Suki ako sa hospital. So ‘yun I’ve seen them to become a miracle worker. So, I always try and want to become a future doctor someday,” ani Manuel Legarde, College of Medicine Scholar.
Sina Jethro at Manuel ay dalawa sa 27 kabataan mula sa Sultan Kudarat mula sa iba’t ibang bahagi ng Mindanao na pinag-aaral ngayon nang libre sa SKSU College of Medicine.
Ibig sabihin, wala silang babayaran sa mahigit limang taon nilang pag-aaral ng medisina sa state university.
Ang provincial government sa pangunguna ni Governor Datu Pax Ali Mangudadatu ang nasa likod ng libreng pag-aaral.
“Actually, very fortunate po ‘yung mga students natin because our Governor Datu Pax Ali Mangudadatu really has this desire to help. That’s why ‘yung first batch po natin ng students, free po ang kanilang tuition. They even have a P10,000 monthly stipend,” pahayag ni Dr. Jun de Gracia Jr., Dean, SKSU College of Medicine.
Bukod diyan, may itatayo ring dormitory para sa mga iskolar.
Ayon sa SKSU College of Medicine, paraan ito ng SK Provincial Government na resolbahin ang kakulangan ng mga doktor para tutukan ang mga Geographically Isolated and Disadvantaged Areas (GIDAS).
Ito ‘yung mga liblib na lugar sa probinsiya na pinaka-nangangailangan ng serbisyong medical.
At sa halip na mag-hire, gumawa na lang sila ng factory ng mga doktor sa probinsiya sa pamamagitan ng College of Medicine.
Kung susumahin, kulang ang isang milyong pisong pondo bawat estudyante para makapag-produce ng isang doktor.
Pero sa SKSU, libre ito.
“As of the moment, more than a million. Kasi on the average that’s around roughly 200,000 per semester. Notwithstanding the books sa medical school,” dagdag ni de Gracia.
Nitong nakaraang buwan lamang nang buksan ang SKSU College of Medicine pati na ang bago nitong school building.
“What we’re doing here were not for politics, it is not for us to have another list or another item in our list of accomplishments but for us to have a better Sultan Kudarat,” ayon kay Gov. Datu Pax Ali Mangudadatu, Province of Sultan Kudarat.
Paparating na ang state-of-the-art equipment sa SKSU College of Medicine.
At tiniyak nila ang competent learning strategy sa mga estudyante para maging handa ang mga ito sa pagsisilbi sa mga komunidad.
May pending naman na panukalang batas sa Kongreso para mapondohan sa national budget ang SKSU College of Medicine.
Diin naman ni Gov. Mangudadatu, patuloy niyang isusulong katuwang ang iba’t ibang stakeholders ang kapakanan ng kaniyang mga nasasakupan.
“This is not yet the end, this is only and merely a beginning towards a better tomorrow for our university for the rest of the province of Sultan Kudarat,” ani Mangudadatu.
Follow SMNI News on Rumble