MULING ipinaalala ng liderato ng Philippine National Police (PNP) sa mga tauhan nito na dapat ibigay sa taumbayan ang angkop at nararapat na serbisyo.
Ito ang binigyang-diin ni PNP Chief PGen. Rommel Francisco Marbil sa kauna-unahan nitong flag raising ceremony sa Kampo Krame ngayong araw, Abril 8, 2024.
Aniya dapat maging puso ng mga pulis ang gawing ligtas ang mamamayan sa gitna ng pagganap ng kanilang tungkulin dahil pinapasuweldo sila ng taumbayan.
Kasama sa mga dumalo ang mga miyembro ng Command Group gayundin ang iba pang matataas na opisyal ng pulisya.