Kauna-unahang floating clinic sa bansa malapit nang matunghayan

Kauna-unahang floating clinic sa bansa malapit nang matunghayan

MATUTUNGHAYAN na sa ikatlong quarter ng taong 2025 ang magiging kauna-unahang floating clinic sa bansa.

Bubuksan sa Pampanga ang naturang floating clinic na kung tawagin ay ‘clinic-on-barge’.

Pangunahing mga benepisyaryo nito ang mga Kapampangan na nakatira sa coastal areas.

Sa magiging floating clinic ay maaaring ma-avail ang outpatient consultations, dental services, at obstetrician-gynecologist check-ups para sa prenatal, at maternal care.

Kasama rin sa maaaring ma-avail ang ultrasound at X-ray, electrocardiogram, at minor medical, at surgical procedures.

Tinatayang nasa P28M ang inilaang pondo para dito.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble