PINASINAYAAN ngayong araw ng National Kidney and Transplant Institute (NKTI) ang bagong pasilidad nito para sa COVID-19 patients na may sakit sa atay.
Ito ang kauna-unahang pasilidad para sa mga COVID-19 patient na sumasailalim sa regular na hemodialysis.
Inisyatibo ito ng ospital para mahiwalay at mabigyan ng tamang atensyong medikal ang naturang mga pasyente.
May dalawampung dialysis stations ang naturang pasilidad na may kakayahang makapag-asikaso ng tatlong pasyente kada session.
Ibig sabihin hanggang 60 pasyente ang maaaring ma-accommodate bawat araw.
Una ng inihayag ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na kumpara sa ibang regular na modular hospitals, mas detalyado ang konstruksyon ng hemo-facility para sa service delivery method nito.