Kauna-unahang paglahok ng Pilipinas sa London New Year’s Day Parade

Kauna-unahang paglahok ng Pilipinas sa London New Year’s Day Parade

SA pagsalubong sa Bagong Taon, humigit-kumulang 300 Pilipino ang dumalo at nakiisa sa London New Year’s Day Parade 2025.

Sa unang pagkakataon, ang Pilipinas ay naging bahagi ng prestihiyosong London New Year’s Day Parade, tampok ang iba’t ibang Pilipinong grupo na nagdala ng kulay at kultura sa makulay na selebrasyon.

Sa pangunguna ng Barrio Fiesta na pinamumunuan ni Mr. Errol Isip, lumahok ang maraming organisasyong Pilipino tulad ng Filipino London Met Police, Knights of Rizal UK, Filipino Nurses ng NHS Community, Igorot UK, Danza London, Anahaw Dance Group, mga beauty queen, at marami pang iba.

Nagbigay ng kani-kanilang pahayag ang mga kasali tungkol sa kasiyahang hatid ng pagkakataong ito.

Malugod namang sinuportahan ni Pastor Apollo C. Quiboloy ang paglahok ng Pilipinas sa parada, na nagdala ng karangalan sa ating bansa.

Ayon kay Mr. Errol Isip, isang karangalan ang maging bahagi ng ganitong makasaysayang okasyon.

Tagumpay ito para sa ating bansa upang mas makilala pa sa buong mundo.

Dagdag pa niya, inaanyayahan din nito ang pagdalo ng mga tao sa London Barrio Fiesta sa Hounslow ngayong taon na gaganapin sa Hulyo 5 at 6 upang makiisa sa selebrasyon ng Philippine Independence Day.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter